My Photo
Name:
Location: Mandaluyong, Philippines

everything is possible!

Monday, August 21, 2006

ISNAB

Hindi muna kita pinansin
Kasi di ka rin naman sa akin nakatingin
Pag ikaw nama'y aking kausapin
Tinatapos mo agad ang ating usapin
Gusto pa naman kitang kaibiganin
Kasama sa lahat ng iyong tatahakin
Pero ako'y iyong iniiwanan para mapanis
Lahat na lang ng gagawin ko'y nakakainis
Tatakbo sayo ng palayo at nang mabilis
Pag ika'y galit at nagmumukhang epis
Na kaka-sawsaw lang sa patis
O bakit ba ako'y ayaw na ayaw mo?
Pinandidirian at pinagsasabihan ng kung anu-ano
Na ako ay imoral, tanga, at bobo
Mas marami ka pa atang alam na salita kaysa iyong lolo
Ba't isa ako sa iyong mga hindi gusto?
Buti pa'y punta na ako sa isang mataas na tulay
At ako na ay magpapakamatay
Wala naman akong kwenta sa iyong buhay
Basta wag ka lang pumunta sa aking lamay
Baka pati dun e isnab ka pa rin

20 march 2002

0 Comments:

Post a Comment

<< Home